Tags

, ,

Ilang beses ko na bang narinig sayong mga labi ang mga reklamo mo, hinanakit sa buhay mo at higit sa lahat kung paano ka nadadapa pagdating sa pag-ibig?!…. hindi ko na siguro mabilang at kung iipunin ko lahat ng mga luha mo, malamang aabot sa sandaan na drum….Hindi ka ba napapagod sa paulet-ulet mong pagiyak dahil lang sa iisang rason? o sadyang manhid ka lang o tumatanda ka ng paurong?!.. Parang kailan lang kasasabi mo na hindi ka na susubok (na may kasama pang conviction) makipagrelasyon sa mga lalakeng nakikilala mo sa net at may kasama ka pang pangako na kesyo “AYAW MO NA“, “PAGOD KA NA”, “TWICE IS ENOUGH”, “HINDI MO NA HAHAYAAN MAINLOVE SARILI MO SA MGA TAONG NAKIKITA’T NAKAKAUSAP MO LANG SA NET”, pero ano?heto ka ngayon para kang bumalik sa high school, kung kiligin ka parang may uod sa puwet mo, halos dumikit na mukha mo sa monitor at kung pwede ka lang pumasok sa monitor malamang matagal mo ng ginawa! Okey lang sana kung nakikipagbolahan ka lang kaso hindi and you’re not just wasting your time but your money as well!..Dohhh!!! Hellooo! Kelangan mo bang gumastos para sa lalake na un?! And my gheeedddd hindi ka na din bata para makipag-away sa ibang gelay na chinachat ng juwa mong puti at makipagkompetensya sa kanila!.. Internet is internet,, pwede kang magbilang ng boyfriend/girlfriend dun and worst pwede kang magpanggap….

Kelan ka ba magigising?! Kelan mo ba marerealize na kahibangan ang umibig sa  lalakeng hindi mo man lang alam kung single pa eto, hindi mo alam ang family background, sa chat mo lang nakakausap and worst pa alam mo na madami din xang chinachat na gelay at alam mo na hindi lang ikaw ang pinapangakuan nya ng kung ano-ano….. Gosh wake up girl! Don’t waste your time sa taong alam mong hindi dapat pag aksayahan ng oras! Hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mo?!..Dahil ako nagsasawa na sa paulet-ulet mong ginagawa at nagsasawa na din akong makita kang ngumangawa ng dahil lang sa isang lalakeng walang maipagyabang kundi ang kanyang mukha at abs na hindi pa sigurado kung sa kanya!.. Pwet lang oo! Kehayblad! 

Advertisement