Tags

, , ,

Ako ang taong ayaw ng pagluluto at tumambay ng kusina ng matagal, hindi naman dahil tamad akong gawin yan, sadya lang talagang wala akong hilig at wala pa sa puso ko ang matutong magluto (saka ko na iisipin yan pag naisip ko ng magasawa.hehe) pero hindi ko  maitatawa na mahilig akong kumain, yan na ata ang pinakagusto kong gawin sa lahat (wag kayong magtanong kung bakit nakakakain ako ng maayos kung hindi naman ako nagluluto, akin nlang un – i want to keep it private..LOL) kaya ng mag-aya sa amin ang aking kasama sa kwarto na magdinner sa Saffron, Atlantis The Palm hindi ako nagdalawang-isip, pumayag agad ako kahit masakit sa bulsa ang halagang AED 220.00 per person, ang mahalaga sa akin maranasan kong lumamon sa mamahaling restaurant at sa sosyaleng lugar pa (uu na mababaw na kaligayahan ko).. Ni-set namin ang dinner date ng Saturday dahil ang theme nila for the food was Asia-Asia, meaning lahat ng klaceng food from Asia ang ihahanda nila at the same time jan lang kami lahat available, so umaga pa lang ng Sabado nihanda ko na sarili ko pati tyan ko para sa pakikibaka at pakikibuno sa mga pagkain (it’s a buffet btw), tanging tubig,kape at tinapay ang tinira ko ng araw na yan para makarami pagdating dun (siba ko dba), at sinamahan ko pa ng pagpapaganda (ciempre naman sosyalen dun alangan naman magdamit dugyot ka eh d napagkamalan ka ng pulubi).. We went there around 5:00 to avoid traffic at makapaglibot-libot na din sa buong atlantis at makipagpiktyuran para may ebidins sa Peysbuk at the same time ginutom namin mga sarili namin para masulit lahat…

Pagpatak ng alas sais sumugod na kami sa Saffron at OMG pagpasok pa lang namin, malululula ka na sa dami ng pagkain na pwede mong pagpilian, it was like heaven para sa mga gutom like us  :lol: and the ambiance was so greaaattttt, so comfy pati lahat ng mga waiter/waitresses.  Every area kung saan may food may naka-assign na chef and lahat ng food masasarap,,ovveeerrrrr kaya hindi mo alam kung saan ka maguumpisa… I admit hindi ko akalain na ganun kadami at ka-yummy mga nagpaka-serve kaya hindi ako naghesitant na magsuot ng hapit na dress, nagmukha tuloy akong butete pag-uwe namin sa laki ng tyan ko (malay ko ba)…….Hai for 4 hours kain lang kami ng kain at wala kaming pinalampas na food..hehehe….ung iba nakuhanan ng pictures ng kasama ko, eto yun…

 

selection of appetizer....

 
 

served for us from a filipino chef

 the assistant manager that time was so sweet to us at inutusan nya ung filipino chef na ipaghanda kami ng platter at natuwa naman ang chef kc that time grupo kami at kami ang unang pinoy that time sa restaurant na yun…

sushi alert

pwede ka ng mag grocery sa dami

diabetes hello?!!!

Our dinner date was so far the best and tiring one..The best?! dahil talagang nagenjoy ako at nasatisfy ang aking pag kagutom…Tiring one?!..sa sobrang dami ng pagkain, first time kong napagod ngumuya, feeling ko nga mahihimatay na ko sa kabusugan… :lol:  

Saffron, Atlantis The Palm

Thank you Saffron for the supah dupah experience and Thank you Lord for the blessings…