Tags
masaya ang araw ko ngayon,
actually noong nakaraang myerkules pa dahil balik normal na ang buhay ko sa opisina, wala na ang mga makukulit na invoicing na halos magpakulot sa buhok kong inunat lang ng mga intsik, wala na ung mga pending papers na nakakapuwing sa mata ko at nakakabuset pag nakikita kong nakakalat sa table ko, limit na din ung mga lagi kong nakakaway sa telepono na halos magpaubos ng brain cells ko (ikaw ba naman kumausap sa mga taong ayaw magbayad ng kautangan nila, dagdag pa ang kanilang english na sila lang nakakaintindi)
at higit sa lahat hindi ko na kelangan makipag face-to-face sa mga taong daig pang nakalunok ng imburnal sa baho ng mga bunganga nila (yak)…..bakit?!..dahil dumating na ung kasama ko sa departamento ko na galing bakasyon (Thank God)….
noong una tuwang-tuwa pa ko at excited dahil finally madadagdagan ung work ko, as en for the pers time makikilala ko ng lubusan ang sikat na sikat pero nakakabuset na si Mr. Pressure, akalain mo un ang tagal ko xang hinintay na makilala’t makasama dumating din
at ciempre ako lang magisa sa dept namin, pede kong gawin lahat ng gusto ko
(axuli nagagawa ko naman kahit andun xa ei
), pero noong nagtagal na kasama ko xa halos isuka ko na at maglupasay na ko sa iyak sa sobrang kulit ni Mr. Pressure
(pramis nakakauta, nakakabuset) dahil kulang ang walong oras ko para tapusin ang lahat ng trabaho ko at trabaho ng kaopisina ko…shesh na malagkit minsan nga nakakalimutan ko ng magsuklay, bumisita at magpakyut sa washroom, kumain, kahit ang uminom ng tubig nakakalimutan ko na
sa sobrang bigat at sa sobrang pressure ng ginagawa ko hindi mo na ko makausap ng matino, umiksi na rin ang pasensya ko, nawalan ng lakas kaya paguwe ko sa bahay para akong binugbog ng walang kalaban laban ng mga benteng katao sa sobrang pagod..dumating pa nga ko sa punto na nagbabalak na kong magabsent para lang makatakas kaso naisip ko naman na kawawa din ako pag pumasok ako kinabukasan dahil malamang triple na ang trabahong gagawin ko kaya no choice si ako kundi lunukin at magpanggap na haping hapi ako sa ginagawa ko….sa sobrang bisi ko huminto din ang internet layp ko, bawas ang pagbisita sa facebook, plurk, tumblr, wordpress, youtube, bloghopping (though minsan nakakalusot pa rin ako
) nahinto din ang pakikipaglandian ko este pakikipagusap ko sa mga fans ko sa wayem (ang stat ko lagi, Buzz me if it is extremely important or Buzz me if its a matter of life and death) kaya ayun ung mga lagi kong nkakausap sa araw araw, eh kahit ang mag “hi” ayaw nilang gawin
….
Pero buti na lang natapos na din ang paghihirap ko, halos dalawang buwan din yun
….haaaaiiii ang sarap bumalik sa normal na gawain, ung hindi ka sobrang pressure sa work, hindi sasakit katawan mo at ulo mo sa kakaisip ng deadline, ung papasok ka at uuwe sa bahay na may ngiti sa labi, excited kang pumasok kinabukasan kahit alam mong yun at yun ulet ang gagawin mo buong araw at higit sa lahat mas mabibigyan ko ng atensyon ung mga nagtampo sken
Mr. Pressure mamimiss kita ng bonggang bongga
kahit pinahirapan mo ko ng halos dalawang buwan gusto pa rin naman kita makasama pero wag muna ngayon okey, nageenjoy pa ko
at please lang naman next time na bisitahin mo ko abisuhan mo ko (na gabundok ang dala mo) ng makapaghanda ako ng maayos ha?!.. aylabyu!




