
…anong bago?…”may magaganap bukas’”..
Well, bukas lang naman ang araw na pinaka aantay ko para makasama’t makita ang mga taong naging inspirasyon ko. Mga taong naging dahilan upang ako’y magpursige na magtrabaho dito sa gitnang silangan…
Excited?!…uhmmmm yeah of course kac finally makikipagkulitan na nmn ako, makikipagbalahuraan sa mga kapatid kong walang ginawa kundi inisin ako….mayayakap ko na din si popc at momc..hmm iiyak kaya sila pag nakita nila ang kanilang prodigal daughter o iiyak sila dahil hindi ko nabili mga bilin nila?ahehehehe joke….
Parang nakikita ko na ang magiging reaction nila especially ung dalawa kong kapatid na girlalo,, **yuck tin jean ang taba mo, ang laki na ng mukha mo pero bakit ganun mas maliit ka pa din samin pero mas magnda pa din kami sau at iirapan ako pero mamya ng konti hampasin ako ng bongga at sasabihin,, waaaahhh tin jean andito ka na nga..gimik..gimik..gimik…** mga linyang lagi kong naririning sa dalawa kong kapatid..at ciempre magpapatalo ba naman ang dalawa kong kuya na uber sa hiritan ” jen ano may boylet k nba dun?..wag kang kukuha na magiging kawawa lang anak mo at sabay sabing tara bili tau, nauuhaw kami kahit isang case lang” samahan pa ng lambing, uber sunod sau at mega dikit kaya no choice si ako kundi sumunod…at ang popc ko,, kukurot ng bongga sa pisngi ko at sasabihin ‘‘iday, kadako mo na, ayaw lakat ha, maguupod la kita pirme” at ang momc ko naman titingin sa min na may halong selos pero hihirit ng ”ayaw tuod kan m popc, pirme man la gani ako heto nea gnbabayaan” at magdrama ng ala susan rocess…lolz…
Hmm sa wakas magagawa ko na din ang pinakagusto kong gawin sa bahay ang makakapagpahinga ng bongga: kain-tulog-gala-kain…lolz..super peborit gawin sa pinas…..And finally i am free from stress sa opis, bahay at ang super init na gawa ng summer…at ciempre pa naka leave ako sa pagiging shock absorber…mwahahaha
Pero d ko maiwasan ang malungkot dahil ciempre hindi ko makikita, makakasama at makakausap ang mga taong naging parte ng buhay dubai ko…mga taong lagi kong kadikit, mga nakasanayang gawin sa pang araw-araw…mamimiss ko mga kaselda ko, kasama ko sa bahay, ang PPJ’s, mga ate ko and ciempre ang plurklandia….pero sabi nga ni Mc Arthur **I shall return**…
Ano nga ba ang bago at ano ang tsismis?! ”UUWE NA SI BUDZ”…..yahooooo!!!





